Paglalakad ng mga empleyado papasok ng kanilang trabaho hindi kasali sa ‘new normal’ —Poe

0
27

Hindi dapat maging bahagi ng ‘new normal’ ang paglalakad ng mga manggagawa ng kilo-kilometro para lamang makapasok sa trabaho.

Ayon kay Senadora Grace Poe, hindi makatarungan ang mga ulat na naglalakad ng malayo ang ilang mga manggagawa makapasok lamang sa trabaho.

Aniya, bukod kasi sa pagod na idudulot nito sa isang indibidwal ay mas lalo pang na-e-expose ito sa iba’t-ibang panganib sa kalsada at virus.

Sinabi ni Poe na dapat na kumilos na ang pamahalaan upang matugunan ang problema ng mga manggagawa pagdating sa transportasyon lalo na’t karamihan sa mga ito ay ‘no work, no pay,’ kaya’t napipilitan silang maglakad ng malayo.

Matatandaang, sinabi ni Trade Secretary Ramon Lopez na dapat makapag-laan ang mga pribadong sectors ng shuttle service para sa kanilang mga manggagawa.