Saturday, May 4, 2024

80% ng mga Pinoy ‘satisfied’ sa pagtugon ng Duterte admin vs. COVID-19

- Advertisement -

Nagpahayag ng kasiyahan o satisfaction ang 80% mga Pilipino sa pagtugon ng Administrayong Duterte laban sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ito ay batay sa resulta ng global polling firm Gallup International Association na isinagawa noong ika-6 hanggang ika-8 ng Abril.

Lumabas rin sa resulta ng naturang survey na 18% ng mga Pilipino ang nagpahayag ng hindi kasiyahan sa pagtugon ng gobyerno sa pandemyang COVID-19.

86% naman ang nagpahayag ng pagsasakripisyo ng kanilang karapatang pantao para lamang mapigilan ang pagkalat ng virus sa bansa.

Hindi naman sumang-ayon ang 12% ng mga Pinoy habang 2% naman ang hindi makapagdesisyon.

Samantala, ikinatuwa naman ng Malakanyang ang naging resulta ng naturang poll at ipinabatid ni Pangulong Duterte ang pasasalamat sa lahat ng nakibahagi sa naturang survey.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img