8 patay sa tumagilid na bus sa NLEX

0
51

Patay ang walo katao habang walong iba pa ang sugatan sa aksidente ng isang bus sa North Luzon Expressway (NLEX), kagabi.

Ayon kay Police Col. Carlito Garces, Valenzuela City Police Chief, byaheng Sta. Maria, Bulacan ang pampasaherong bus ng Buena Sher Transport Corp. na may plakang 8610.

Ani Garces, maulan at madulas ang kalsada dahilan para sumalpok ito sa concrete barrier at tumagilid.

Nadamay din ang isang SUV at isang pick-up.

Dahil dito apektado ang naging daloy ng trapiko sa parehong lane ng expressway alas-7 ng gabi.

Ganap na alas-10:50 naman ng gabi nang maitabi ang bus sa gilid ng expressway.

Tiniyak naman ng pamunuan ng bus company na magbibigay ng tulong sa biktima ng naturang aksidente.