DTI nag-abiso ng ng posibleng taas-presyo sa ilang pangunahing bilihin

0
48

Nag-abiso ang Department of Trade and Industry (DTI) sa posibleng pagtaas ng presyo ng ilang mga pangunahing bilihin.

Asahan umano ang P2.00 dagdag sa presyo ng gatas habang P1.00 sa kape.

Ganito rin ang posibleng dagdag sa presyo ng patis.

Paliwanag ng DTI, ang pagtaas ng presyo ay bunsod ng pagmahal ng halaga ng packaging materials at mga sangkap ng nasabing produkto.

Isasama ang bagong suggested retail price sa susunod na bulletin ng ahensya.