Klase sa QC suspendido ngayong araw

0
53

Suspindido ang klase sa Quezon City ngayong araw.

Batay sa anunsyo ni Quezon City Mayor Herbert Bautista kagabi, sinuspindi ang klase sa lahat ng antas sa pampribado at pampublikong paaralan dahil sa inaasahang patuloy na pag-ulan.

Sa abiso ng PAGASA, ang low pressure area (LPA) sa bahagi ng Sorsogon ay inaasahang magiging ganap na bagyo sa loob ng 48 oras.

Patuloy namang makakaapekto sa Luzon at Visayas ang habagat na magdudulot ng pag-uulan kabilang sa Metro Manila ngayong weekend.