8 patay sa pagsabog sa Syria

8 patay sa pagsabog sa Syria

by Powered by DWIZ
0 comment 26 views

Patay ang walo katao sa isang pagsabog sa hilagang-silangang bahagi ng Syria, kahapon.

Ayon sa Turkey Defense Ministry, naganap ang pagsabog sa bayan ng Tel Abyad sa Syria na kontrolado ng Turkish at Syrian-allied rebels.

Una rito, ibinabala ni Turkey President Tayyip Erdogan na magpapatuloy ang kanilang opensiba laban sa mga Syrian terrorist hangga’t may nanatili pang terorista sa teritoryong sakop ng Turkey at nasa layong 30-kilometro sa border ng Turkey at Syria.

Magugunitang noong nakaraang buwan ay naglunsad ang Turkey ng opensiba sa mga Kurdish militant sa border nila ng Syria nang tanggalin ng Estados Unidos ang kanilang mga sundalo.

0 comment

Related Posts