Mayor Isko ikinadismaya ang sandamakmak na basura sa Ylaya, Binondo

Mayor Isko ikinadismaya ang sandamakmak na basura sa Ylaya, Binondo

by Powered by DWIZ
0 comment 11 views

Gabundok na mga basura ang bumungad kay Manila Mayor Isko Moreno sa kanyang suspresang pag-iikot sa Divisoria, ngayong umaga ng Lunes.

Lubhang ikinadismaya ni Mayor Isko nang maabutan niya ang sandamakmak na mga basura sa Divisoria lalo na sa bahagi ng Ylaya Street (Binondo side).

Karamihan sa mga basura ay mga bulok na gulay na mula sa mga vendor na nauna nang pinayagang maghanap-buhay sa kahabaan ng Ylaya Street.

Kasunod nito ay ipinahayag ni Mayor Isko na kaniya nang tatanggalin ang mga vendor sa Ylaya Street dahil sa kabiguang mapanatili ang malinis na kapaligiran.

Samantala, muli namang pinaalalahanan ni Mayor Isko ang mga vendor na kanilang mahigpit na ipinatutupad ang Ordinance No. 8572 o ordinansang ‘Tapat Ko – Linis Ko’ kung saan nakasaad na ang lahat ng mga taga-Maynila ay may mandatong panatilihin ang kalinisan at kaayusan sa kanilang komunidad. — ulat ni Aya Yupangco

0 comment

Related Posts