Panukalang ipagbawal ang ‘single-use plastics’ inihain na sa Senado

Panukalang ipagbawal ang ‘single-use plastics’ inihain na sa Senado

by Powered by DWIZ
0 comment 16 views

Inihain na sa Senado ang panukalang batas na tuluyang magbabawal sa pag-gamit ng ‘single-use plastics’ containers.

Sa ilalim ng Senate Bill No. 40 na inihain ni Senador Francis Pangilinan, layon nito na mapangalagaan ang kapaligiran laban sa mga plastic products na nagdudulot ng polusyon sa kapaligiran.

Ayon kay Pangilinan, panahon na upang maisabatas ang Single Use Plastic Regulation and Management Act of 2019 upang tuluyan nang ipagbawal ang disposable plastics kabilang na ang cellophane products na ginagamit bilang grocery bags, food packaging, water bottles, stirrers, styros at plastic cutlery.

Sa oras na maging ganap na batas, obligado ang mga food establishments, convenience stores, supermarkets at retailers na ipagbawal ang paggamit ng single use plastics.

Papatawan naman ng multa bukod sa posibleng business permit revocation ang mga mapatutunayan na lalabag dito.

Kasabay nito, isinusulong rin naman ni Senadora Cynthia Villar ang Senate Bill No. 333 o ang Single Use Plastic Product Regulation Act of 2019 kung saan layon naman nito na makabuo ng isang special fund for single use plastic regulation.

Kabilang ang Pilipinas sa listahan ng mga bansang may mataas na bilang ng paggamit ng plastic products kung saan umaabot sa 164-milyong pirasong sachet ang nagagamit sa bansa araw-araw.

0 comment

Related Posts