Radio Philippines Network
DZKI Iriga News Provincial News

79 Rebel Returnees Nakatanggap Ng Tulong Mula Sa Pamahalaang Lalawigan

Iriga City – 79 na dating rebelde ang nabigyan ng pangkabuhayan at pinansyal na tulong mula sa pakikipagtulungan ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO), Department of Interior and Local Government (DILG), Department of Agriculture (DA), Department of Labor and Employment (DOLE) at Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Ayon sa ulat ng PSWDO, matapos ang assessment sa mga nabanggit na bilang ng rebel returnees, 58 sa kanila ang binigyan ng DILG ng pinansiyal na tulong mula ₱ 15,000 hanggang ₱ 22,000 habang 14 naman sa kanila ang pinagkalooban ng programang pangkabuhayan ng DOLE kung saan nakatanggap sila ng mga gamit sa pagsaka, welding, karinderya at pangingisda.

Ang pito naman na nasa ilalim pa rin ng kustodiya ng Philippine Army ay binigyan ng tig-iisang native na baboy mula sa DA, para alagaan at ₱ 10,000 na cash assistance mula sa DSWD.

Inaalalayan din ng PSWDO ang 14 na bagong rebel returnees para makatanggap din ng mga nabanggit na tulong mula sa pamahalaan.

Ang nasabing inisyatiba ng Pamahalaang Lalawigan ng Sorsogon sa pamumuno ni Governor Chiz Escudero ay alinsunod sa Enhanced Comprehensive Local Integration Program o E-CLIP ng national government na naglalayong tulungan ang mga kasapi ng mga rebeldeng grupo na nais magbalik-loob sa pamahalaan at pamayanan.

Patuloy ang ginagawang pagtulong ng pamahalaang lalawigan sa mga dating Sorsoganon na rebelde na nais magbagong buhay at makatulong sa kanilang pamilya at pamayanan.

(Source: Bicol News)

Related posts

Taganito Miners – TMC Offered Mining Engineering Degree To Qualified Employees

RPN

Mga Miyembro Nan Tricycle Driver Association At PACEMCO Nakadawat 5 Ka Kilo Na Bugas, Face Mask Ug Face Shield

RPN

Number 3 Most Wanted On Municipal Level Nadakpan Sa Criminal Investigation And Detection Group

RPN