Friday, May 3, 2024

7 pulis sa Maynila positibo sa pag-gamit ng illegal drugs

- Advertisement -

Nagpositibo sa illegal na droga ang pitong pulis Maynila.

Ito ay matapos na magsagawa ng random drug testing ang National Capital Region Police Office (NCRPO), apat na buwan nang nakakalipas.

Ayon kay NCRPO Chief P/Maj.Gen. Debold Sinas, isa sa pitong nagpositibo ay kabilang sa Philippine National Police (PNP) drug watchlist at kinilala itong si Staff Sergeant Ronald Carpio.

Gayunman, hindi naman isinapubliko ni Sinas ang pagkakakilanlan ng anim pang pulis na nagpositibo sa shabu.

Samantala, sinabi pa ni Sinas na 31 pulis maynila ay kabilang sa 357 pulis na nasa drug watchlist.

22 dito ay nasa ilalim na ng imbestigasyon habang ang siyam na iba pa ay idineklara nang absence without leave (AWOL).

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img