- Advertisement -
Aatake ang bansang Russia sa 2020 election ng Estados Unidos.
Ayon kay intelligence community top election security official na si Shelby Pierson, desidido ang Russia na manghimasok sa eleksyon sa pamamagitan ng hacking at paggamit ng social media.
Aniya, bagamat sinusuportahan ng Russia si U.S President Donald Trump ay nais nilang palabasin na kuwestyonable ang magiging resulta ng naturang eleksyon.
Samantala, magugunitang pinaimbestigahan rin noon ni Special Counsel Robert Mueller ang umano’y panghihimasok rin ng Russia sa US 2016 elections.
- Advertisement -