36 C
Manila
Wednesday, April 24, 2024

64 bets sa 2019 elections humiling ng seguridad

- Advertisement -

Humiling ang animnapu’t apat (64) na pulitikong kakandidato sa 2019 midterm elections ng seguridad mula sa Philippine National Police-Police Security and Protection Group (PNP-PSPG) matapos ang mga pag-atake na target ang mga politiko sa Batangas, Cavite, at La Union.

Kabilang sa mga naturang bilang ng mga kandidatong humiling ng seguridad ang tatlong (3) senador, apatnapu’t siyam (49) na congressman, anim (6) na local chief executives, tatlong (3) dating opisyal ng gobyerno, at tatlong (3) pribadong indibidwal.

Nagtalaga na si PSPG Director Chief Superintendent Filmore Escobal ng mahigit isandaang (100) police escorts at personnel sa mga nauna ng naghain ng naturang kahilingan.

Inaasahan naman niya na mas dadami pa ang hihiling ng seguridad at proteksyon lalo na sa mga lugar kung saan matindi ang labanan sa pagitan ng mga politiko.

(written by: Kimberlie Montano)
- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -