Suhol kapalit ng boto sa pagka-house speaker aabot umano sa P7-M

0
42

Aabot umano sa P7-M ang suhol sa bawat kongresista kapalit ng boto ng mga ito para iluklok ang isang nagnanais maging house speaker.

Ito ang inihayag ni Pampanga 3rd district Rep. Aurelio Dong Gonzales, isa sa nais maging pinuno ng kamara.

Ayon kay Gonzales, ang nagaganap na vote buying ang tiyak na sisira sa institusyon.

Giit ni Gonzales, sa halip na bumili ng boto, ang dapat na pinatutunayan ng sinumang nais maging house speaker ay ang kaniyang magandang hangarin at mga programa na target isakatuparan.

Samantala, naniniwala si Gonzales na kung pipili ng mamanukin si Pangulong Duterte ay dapat magmula ito sa PDP-Laban bilang ito ang partido ng pangulo.