2 lalaking nagbebenta ng iligal na droga, timbog sa buy-bust operation

0
45

Kalaboso ang dalawang drug pusher na sina Raymond Serrano at Sandy De Leon, matapos ang ikinasang buy-bust operation ng mga otoridad sa Bacoor City, Cavite.

Ayon sa pulisya, kasama sa kanilang drug watchlist ang mga suspek na pinaniniwalaang nagbebenta ng iba’t ibang klase ng iligal na droga tulad ng shabu, marijuana, at cocaine.

Base sa ulat, agad na dinakma ng mga operatiba ng Bacoor City Philippine National Police (PNP) na sina Serrano at De Leon nang makabili sa kanila ng iligal na droga ang isang pulis na nagpanggap na poser buyer.

Maliban sa buy-bust money, narekober rin mula sa mga suspek ang 60,000 pesos na halaga ng shabu, cocaine at marijuana.