29.8 C
Manila
Saturday, April 27, 2024

6 na health workers nasawi dahil sa COVID-19 sa China

- Advertisement -

Nasawi ang anim na health workers sa China dahil sa impeksyon ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ayon sa China’s National Health Commission, aabot na sa 1,700 health workers ang nagpositibo sa COVID-19.

Sa naturang bilang 1,102 rito ang mula sa Wuhan City, ang episentro ng virus.

Habang ang 400 naman ay mula sa Hubei Province, ang probinsiyang nakasasakop sa Wuhan City.

Ayon sa Chinese authorities, kulang kasi ang protective equipment para sa mga health workers na nakatalaga sa Wuhan dahil patuloy na dumarami ang kaso ng mga indibidwal na nagpopositibo sa virus.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -