Divorce hindi sagot sa problemang mag-asawa — Cayetano

Divorce hindi sagot sa problemang mag-asawa — Cayetano

by Powered by DWIZ
37 views

Hindi divorce ang sagot sa problemang mag-asawa.

Ito ang binigyang diin ni House Speaker Alan Peter Cayetano, kaugnay ng ipinapanukalang absolute divorce ni Albay First District Rep. Edcel Lagman.

Ayon kay Cayetano, totoong mayroong kumplikadong relasyon lalo sa mga mag-asawa partikular na ang kaso ng pambubugbog, sapilitiang sinisipingan ang asawa, o pagkalulong sa illegal na droga.

Aniya, para sa kaniyang personal na opinyon, dapat na pag-aralan ng mga mambabatas kung paano mapadadali ang ‘annulment’ at iba pang uri ng dissolution of marriage na mapoprotektahan pa rin ang kasagraduhan ng kasal.

Paliwanag nito, posible kasing magdulot pa ng problema sa hinaharap kung basta-basta na lamang papayagan ng estado ang mga mamamayan na makapag-diborsyo at muling makapag-asawa.

0 comment

Related Posts