Mag asawang Chiong hinimok si Pangulong Duterte na wag hayaang makalaya ang pumatay sa kanilang 2 anak

0
40

Hinimok ng mag-asawang Chiong si Pangulong Rodrigo Duterte na huwag hayaang mapalaya ang mga nahatulan sa paghalay at pagpatay sa kanilang dalawang anak sa Cebu noong 1997.

Ginawa ng mag-asawa ang panawagan makaraang umugong ang posibleng paglaya ni dating Calauan mayor Antonio Sanchez.

Matatandaang noong 1997 ay dinukot, ginahasa at pinatay ang magkapatid na Marijoy at Jacqueline.

Karamihan sa pitong akusado sa krimen ay mga miyembro ng mga prominenteng pamilya sa Cebu City kabilang ang isang Francisco Juan “Paco” Larañaga na sinasabing apo sa tuhod ni Sergio Osmeña Sr.