DOH iginiit na hindi lahat ay maaaring isailalim sa (COVID-19) test

0
17

 Iginiit ng Department of Health (DOH) na hindi lahat ay maaaring isailalim sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) test.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, prayoridad ng testing ang mga pui o persons under investigation na may mga kondisyon na nakakababa ng kanilang resistensya, mga senior citizens, buntis, may mga travel history at close contact sa isang pasyenteng may COVID-19.

Nakikiusap naman ang ahensya sa publiko na magpapa-test na maging tapat at ibigay lahat ng impormasyong kailangan.