4 out of 10 Pinoy ang may ipon sa bangko

0
75

Apat lamang sa bawat 10 Pinoy ang may savings o ipon sa bangko.

Batay ito sa tala ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) at National Economic and Development Authority (NEDA).

Ayon kay NEDA policy and planning staff director Reynaldo Cancio, karamihan sa mga Pilipino ay naka-impok lamang sa mga tahanan ang kanilang pero habang 30 porsyento lamang ang may savings sa bangko.

Dahil dito, ikinasa ng NEDA ang ilang mga aktibidad para sa economic at literacy week kung saan target nilang turuan ang publiko kung paano hawakan ng tama ang kanilang pera.

Target ng NEDA na ikutin ang lahat ng rehiyon sa bansa ngayong buwan para magturo ng tamang pananalapi kabilang ang pag-aayos ng gastusin sa bahay, investment at pagpaplano para sa retirement.