Friday, May 3, 2024

50 mga dayuhan arestado dahil sa illegal na POGO sa Makati City

- Advertisement -

Arestado ang hindi bababa sa 50 mga Chinese at isang Myanmar national matapos salakayin ng pulisya ang umano’y illegal na Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) sa Makati City.

Batay sa impormasyon mula sa PNP-Southern Police District, nagkasa ng operation ang mga tauhan ng Makati City Police Station sa isang gusali sa bahagi ng Victor Street sa Barangay Pio Del Pilar.

Ito ay makaraang makatanggap sila ng reklamo hinggil sa nag-ooperate na illegal na pasugalan sa lugar.

Nasabat naman sa lugar ang ilang mga laptops, gadgets, cellphone na may active sim cards, desktops, broadbands, wifi router at multiple electronic one-time passcode.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img