Petisyon ka kumukuwestyon sa IRR ng GCTA law idedepensa ng DILG

0
18

Idedepensa ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang inihaing petisyon sa korte suprema na kumu-kuwestiyon sa implementing rules and regulations (IRR) ng Good Conduct Time Allowance (GCTA) law.

Ito’y ayon mismo kay DILG Spokesman Usec Jonathan Malaya, kung saan sinabi nitong welcome sa DILG ang inihaing petisyon ng ilang mga inmates laban sa IRR ng GCTA law.

Paliwanag pa ni Malaya, binibigyang kapangyarihan ng batas ang DILG at Department of Justice (DOJ) na lumikha ng IRR kung saan kabilang sa mga miyembro ng technical working group (TWG) ang Bureau of Jail Management and Penelogy, pati na ang Bureau of Corrections (BuCor).

Aniya, ang BJMP at BuCor ang mayroong karanasan at kakayahan sa pagtrato sa mga bilanggo, gayundin ang pagpapatupad ng batas para sa mga ito.