5 persons of interst sa Metrobank Robbery incident sa Binondo kinilala na

0
52

Inilabas na ng MPD o Manila Police District ang larawan ng 5 Persons of Interest sa Robbery Incident sa Metrobank Branch sa Santo Cristo Street Binondo noong nakaraang linggo.

Kinila ang mga suspek na sina Noli Bonifacio Casuela alias Lito Dapitan,  Frederex Secretario, Michael Calunod  alyas Pilay  o batang Calunod at sinasabing mga Lider ng Grupo na sina Marlon “Ailon” Parojinog at Gilcar Dumagan Mofan alias Jing Mofan

Ayon kay MPD Chief Police Colonel Vicente Danao, nalaman ang pagkakakilanlan ng mga suspek batay na  rin sa pahayag ng mga taong nasa loob at labas ng bangko.

Sinabi ni Danao, tinatawag ang grupo ng mga suspek bilang Parojinog o Bonifacio Group na kumpirmadong konektado sa Parojinog Ozamis Bank Robbery.

Dagdag ni Danao, may Standing Warrant of Arrest din si Parojinog habang may kinahaharap namang kasong Murder at Frustraded Murder si Mofan at kapatid nito.

Samantala, hindi pa rin inaalis ng pulisya ang anggulong inside job sa insidente dahil anila nakikipagtulungan ang pamunuan ng bangko sa imbestigasyon