Thursday, May 9, 2024

Bagyong Falcon nanatili ang lakas

- Advertisement -

Napanatili ng bagyong Falcon ang lakas nito habang mas bumilis ang kilos nito patungong Northern Luzon.

Batay sa datos ng PAGASA, huling namataan ang bagyong Falcon sa layong isang libo isang daan at limampung kilometro silangan ng Casiguran Aurora.

Taglay pa rin nito ang lakas ng hanging aabot sa 45 kilometro kada oras at pagbugsong aabot sa 60 kilometro kada oras.

Kumikilos ito sa bilis na 25 kilometro kada oras sa direksyong Hilaga Hilagang-Kanluran.

Inaasahang tatama ito ng kalupaan ng Extreme Northern Luzon sa Miyerkules ng Hapon o Gabi habang posibleng magtaas na ng Storm Signal sa ilang bahagi ng Hilagang Luzon, Bukas ng Umaga.

Patuloy namang pauulanin ng Trough o Buntot ng Bagyong Falcon at pinalakas na Habagat ang Bicol Region, Visayas, Zamboanga Peninsula, Bangsamoro Autonomous RegioniIn Muslim Mindanao at Mimaropa.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img