Antas ng tubig sa Angat Dam patuloy pa ring nababawasan

0
47

Patuloy pa ring nababawasan ang antas ng tubig sa Angat Dam sa nakalipas na 24 oras.

Ayon sa PAGASA Hydrology Division, bumagsak na sa 158. 75 meters ang water level ng Angat Dam kaninang alas 6:00 ng umaga.

Mas mababa ito kumpara sa naitalang 159.15 meters na water level, kahapon.

Samantala, bahagya namang nadagdagan ang water level ng La Mesa Dam kung saan umakyat ito sa 72.56 meters.

Gayundin din naman ang Ipo Dam na ngayon ay nasa 99.39 meters na ang taas ng tubig.

Nadagdagan din naman ng kaunti ang Binga at Caliraya habang wala namang pagbabago sa water level ng Ambuklao.