Thursday, May 2, 2024

5 patay, 8 nawawala sa pagsabog ng isang bulkan sa New Zealand

- Advertisement -

Lima katao ang kumpirmadong patay habang walo ang nawawala sa pagsabog ng White Island Volcano sa New Zealand.

Batay sa ulat, kasalukuyang namamasyal ang ilang mga turista sa nasabing tourist spot.

34 katao umano ang nakaligtas habang 31 ang nagpapagaling pa sa ospital.

Kabilang sa mga turista na nasa lugar ay mula sa Austalia, U.S, China, Malaysia at maging mga taga New Zealand.

Sa ngayon ay hirap pang maipagpatuloy ng mga rescuer ang paghahanap sa mga biktimang nawawala pa dahil sa mapanganib pang kondisyon ng bulkan.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img