Friday, May 3, 2024

5 libong pulis ang ipakakalat sa metro manila sa araw ng SONA-NCRPO Chief Major Gen.Eleazar

- Advertisement -

Aabot sa 5  libong pulis ang ipakakalat sa metro manila, upang tiyakin ang seguridad sa nalalapit na SONA o State of the Nation Address ni Pangulong Rodrigo Duterte, sa darating na Hulyo 22.

Ito, ayon kay NCRPO Chief Major General Guillermo Eleazar, kung saan tiniyak nito ang pagpapatupad ng maximum tolerance sa mga magsasagawa ng kilos protesta sa araw ng SONA.

Kaugnay nito, sinabi rin naman ni Eleazar na sa ngayon ay wala pa silang namomonitor na anumang banta sa seguridad, ngunit patuloy pa rin naman aniya silang naka-alerto.

Samantala, ipinagmalaki rin naman ni Eleazar na naging maayos ang mga nakalipas na SONA ng Pangulo.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img