Kaso ng Dengue posibleng pumalo pa sa dalawang daan libo ayon sa DOH

0
55

Posibleng pumalo pa sa 200 libo ang kaso ng dengue sa bansa.

Ito ayon kay Department of Health Sec. Francisco Duque the third, kung saan sumampa na anya sa 70 libo ang kaso ng dengue sa bansa.

Dahil dito, pinayuhan ni Duque ang publiko na mag-doble ingat lalo na’t inaasahan ng pumasok ang panahon ng tag-ulan.

Kasabay nito, pinaalalahanan rin ni Duque ang publiko na laging maglinis ng paligid upang hindi na dumami pa ang lamok.

Samantala, tiniyak rin naman ng kalihim na mas pai-igtingin pa ng DOH ang kampanya kontra Dengue.