Masamang epekto ng labis na kape ibinabala ng mga eksperto

0
636

Sandigan ng marami ang mga Caffeinated Drinks, gaya ng Kape, at Energy Drinks lalo na kapag puyat, pagod o walang enerhiya.

Pero alam ninyo ba na ang labis na pagka-kape at pag-inom ng mga Energy Drinks ay may masamang epekto sa Kalusugan?

Ayon sa mga eksperto, mayroong sangkap ang mga Caffeinated Drinks na nag dudulot ng diperensiya sa katawan, tulad ng pagbilis ng tibok ng puso, at altapresyon dahil sa taglay nitong Caffeine.

Bukod sa Caffeine, may taglay rin ang mga Energy Drinks na guarana na posibleng mag-dulot ng insomia, pag-susuka at pananakit ng tiyan.

Dahil dito, i-binabala ng mga eksperto na bagaman nakatutulong ang mga naturang inumin upang manatiling alerto, ay hindi naman dapat lalagpas sa dalawang tasa ng kape kada araw ang i-inumin, upang hindi ito makasama sa katawan.