IRR para sa expanded maternity leave nilagdaan na

0
45

Ilalabas na ng pamahalaan ang IRR o Implementing Rules and Regulations para sa expanded maternity leave sa mismong Mayo 1 o Labor Day.

Ayon sa DOLE o Department of Labor and Employment, maliban sa expanded maternity leave, inaasahang lalagdaan na rin ni Labor Secretary Silvestre Bello III ang isang inter-agency agreement.

Layon nito na magwasto sa mga polisiya hinggil sa pagtatrabaho ng mga banyaga sa Pilipinas tulad ng pagpapatupad ng foreign workers permit application.

Magugunitang Pebrero ng taong ito nang lagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang expanded maternity leave bilang isang batas na magbibigay ng 105 araw sa mga bagong panganak na lumiban sa kanilang trabaho nang may bayad habang mayroong dagdag na 15 araw para sa mga solo parent.