British band na Coldplay nakatanggap ng kaliwa’t kanang papuri

0
24

Nakatanggap ng kaliwa’t kanang papuri ang bandang Coldplay makaraang magdaos ng tour sa Jordan para sa inang kalikasan.

Kasabay nang paglulunsad ng kanilang album na “everyday life” ay nagsagawa ang british band ng 2 gigs sa Amman habang nasa katirikan ng araw.

Masaya naman ang kanilang fans dahil libre rin nilang napanood ang performance ng banda sa Youtube.

Ayon kay Gareth Redmond-King ng World Wildlife Fund (WWF), nakabibilib ang ginawa ng Coldplay dahil bihira ang mga bandang nagdaraos ng konsiyerto para labanan ang climate change.