1,000 Filipina nurse, 150 medtech kailangan sa Middle East

0
44

Aabot sa 1,000 babaeng nurse ang kailangan pa rin sa Saudi Arabia habang 150 mga emergency medical technicians naman ang hinahanap sa Abu Dhabi.

Ito ang inanunsyo ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) kung saan walang babayarang placement fee ang mag-aapply dahil gobyerno sa goibyerno ang gagawing pagkuha sa mga nurse at medical technicians.

Ayon sa POEA, aabot sa mahigit P58,000 ang katumbas na magiging buwanang sahod ng mga matatanggap na aplikante at maaari pang tumaas kada taon.

Bukod naman sa sweldo, makakakuha rin ng paid annual vacation na may kasamang round trip plane ticket, libreng pagkain at tirahan ang mga matatnggap na nurse sa Saudi Arabia.

Dagdag ng POEA, magtungo lamang sa kanilang website para sa kumpletong listahan requirements o sa kanilang regional offices bago ang deadline na Nobyembre 9 at main office bago naman ang Nobyembre 16.