Mga kabataang artista kabilang umano’y sa watchlist ng PDEA

0
49

Pawang kabataang artista ang kabilang sa mga artistang nasa watchlist ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Ayon kay PDEA Director General Aaron Aquino, tatlo lamang sa 31 artista sa kanilang watchlist ang may edad na.

Binubuo aniya ito ng 20 lalake at 11 artistang babae.

Sinabi ni Aquino na karamihan sa kanila ay bumibili ng party drugs sa mga supplier ng illegal na droga.