30.7 C
Manila
Sunday, April 28, 2024

4 hinihinalang kolektor ng illegal STL ops timbog sa Quezon

- Advertisement -

Arestado ang apat na hinihinalang kolektor ng iligal na operasyon ng STL o Small Town Lottery sa Quezon.

Nahuli ang mga suspek na tinaguriang ‘bookies’ na sina Johnny Villamayor, Zosimo Caagbay, Gaspar Aguidilla at Chessa Mae Rueca.

Nasabat sa mga suspek ang ilang paraphernalia, mga STL bet collections forms at mga perang ginamit na pang taya.

Ayon sa Tayabas City Police, sa isang araw ay tatlong beses na lamang naglalabas ng resulta ang mga umano’y ‘bookies’ na nakabase sa ligal na STL draw sa opisina ng Pirouette Gaming Corporation.

Samantala, bigo namang makapagpakita ng ID o Identification Cards mula sa awtorisadong STL operator ng probinsya ang apat na suspek.

Matatandaang ipinatigil ni Pangulong Duterte ang STL at iba pang gaming operations nitong Hulyo at tinanggal ang ban noong Agosto 22 ng kasalukuyang taon.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -