28.5 C
Manila
Friday, April 19, 2024

Mrs. Chiong hindi ikinatuwa ang mga papuri ni Pangulong Duterte kay Faeldon

- Advertisement -

Hindi ikinatuwa ni Mrs. Thelma Chiong ang mga papuri ni Pangulong Rodrigo Duterte kay dating BuCor chief Nicanor Faeldon.

Si Mrs. Thelma Chiong ang ina ng mga biktimang sina Marijoy at Jacqueline Chiong na ginahasa at pinatay noong July 16, 1997.

Anya, hindi niya kayang marinig ang mga papuri ni Pangulong Duterte kay Faeldon kaya umalis siya habang nagtatalumpati ang pangulo sa isang groundbreaking ceremony sa Naga City.

Dagdag pa ni Mrs. Chiong, hindi tama na bigyang papuri pa si Faeldon dahil nagpalaya ito ng mga bilanggo kahit hindi kwalipikado sa Good Conduct Time Allowance Law o GCTA.

Samantala, sa kabila ng pagkadismaya ay nagpapasalamat parin si Mrs. Chiong kay Pangulong Duterte dahil sa utos nitong ipabalik ulit sa kulungan ang mga napalaya sa ilalim ng naturang batas.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -