4 bagong kaso ng COVID-19 sa QC naka-home quarantine lang

0
35

Apat na bagong kaso ng the coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa Quezon City ang naka-home quarantine dahil sa kakulangan na ng kama o kwarto sa mga pagamutan sa lunsod ng Quezon.

Ayon kay City Mayor Joy Belmonte, kabilang sa mga new COVID-19 cases na ito ay isang 49-year-old male cook na taga-Brgy. Tatalon at nagtatrabaho sa isang restaurant sa Greenhills kung saan wala itong anumang travel history.

Sumunod dito ang 25-year-old male, call center agent, na taga-Brgy. Masagana at wala ring travel history.

Isa namang 60-year-old housewife na residente ng Brgy. Ramon Magsaysay ang nagpositibo sa virus at nagpapa-dialysis ngayon sa pagamutan, kung saan wala rin itong  history ng pagbyahe sa ibang lugar.

Habang ang pinakahuling tinamaan ng COVID-19 sa QC ay isang 51-year-old businessman mula sa Barangay Bungad at may travel hitory sa bansang Japan.

Naniniwala naman ang QC local government units (LGU) na marami nang nakasalamuha ang mga naturang COVID-19 patients kaya’t kailangan na aniya ngayon na isailalim sa virus test ang mga kaibigan at kamag-anak ng mga ito.

Isinailalim naman sa extreme enhanced community quarantrine ang Barangay Maharlika makaraang lumabas sa ulat na dalawa na sa mga residente doon ang nagpositibo sa nakababahalang sakit.

Maging ang Brgy. Tatalon, na isang urban poor area, ay inilagay na rin sa extreme enhanced community quarantine kahit na isa palang ang naitatalang kaso doon.