Lead singer ng ‘Mulatto’ nasawi sa COVID-19

0
31

Nasawi dahil sa sakit na coronavirus disease 2019 (COVID-19) si Joey Bautista –ang lead singer ng rock band na Mulatto.

Ito ang kinumpirma ng kanyang maybahay na si Belinda Bagatsing.

Sa Facebook post, sinabi ni Belinda na pumanaw si Joey noong Huwebes kung saan iniisip umano ng iba na pneumonia ang ikinasawi nito.

Ngunit sa ibinahaging impormasyon ni Belinda, inamin nitong namatay ang kanyang mister na si Joey dahil sa COVID-19 matapos na magpositibo ito sa isinagawang COVID-19 swab test.

Payo ni Belinda sa kanilang mga nakasalamuha na i-monitor ang kanilang mga sarili sa loob ng 30 araw at agad na magpagamot kapag may napansing kakaiba sa kalusugan.