Mga frontliners pinapurihan ng Palasyo

0
21

Binigyang papuri ng MalacaƱang ang mga frontline workers dahil sa kanilang ipinapakitang kabayanihan at pagbubuwis ng buhay sa kabila ng banta ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ayon kay Presidential Spokesperson Atty. Salvador Panelo, idinadalangin ng Palasyo ang ating mga front liners para sa kanilang patuloy na proteksyon sa kabila ng panganib na kanilang kinakaharap sa araw-araw.

Ginawa ni Panelo ang pahayag kasunod ng ulat na pumalo na kahapon sa mahigit 300 ang naitalang kaso ng COVID-19 sa ating bansa.

Pinapurihan din ng Office of the Presidential Adviser on the Peace Process (OPAPP) ang mga frontline workers dahil sa kanilang “sacrifices, hard work, at commitmentā€ upang mapagsilbihan ang mga Pilipino sa kabila ng panganib na kailangan nilang suungin.