3rd telco bidding tuloy ngayong araw

0
51

Tuloy na ang bidding para sa ikatlong telecommunication company ngayong araw na ito.

Kasunod ito nang hindi pagpapalabas ng Korte Suprema ng temporary restraining order (TRO) na magpapatigil sa bidding process ng National Telecommunications Commission (NTC).

Sa kanilang pagbabalik sesyon kahapon ..hindi inaksyunan ng Supreme Court en banc ang petisyong humihiling na ideklarang iligal at labag sa batas ang award na ipinagkaloob ng NTC sa PLDT Incorporated /Smart Communications Incorporated at Globe Telecoms kaugnay sa 700 megahertz broadcast frequency kasama na ang iba pang telecom frequencies.

Sa halip nagpasya ang high tribunal na muling dinggin ang kasong magbibigay daan sa gobyerno na ipagpatuloy ang bidding ngayong araw na ito.

Ang petition for mandamus ay inihain sa Korte Suprema nina Atty. Joseph Lemuel Baligod Baquiran at Atty. Ferdinand Tecson.

Magugunitang ang acquisirtion ay ginawa ng PLDT at Globe nuong 2017 para sa issuing and outstanding shares and assets ng Vega Telecom Incorporated, subsidiary ng San Miguel Corporation (SMC).