Duterte duda sa pahayag ng PDEA kaugnay sa P11-B shabu na nakita sa magnetic lifters

0
54

Duda si Pangulong Rodrigo Duterte sa pahayag ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na posibleng naglalaman ng P11 bilyong halaga ng shabu ang apat na nakitang magnetic lifters sa Cavite noong Agosto.

Sa isinagawang cabinet meeting kagabi, sinabi ni Pangulong Duterte na hindi tatayo sa korte ang testimonya ng PDEA hinggil sa mga nakitang walang laman na magnetic lifters.

Iginiit ng pangulo, hindi dahil nakitaan ng pdea ng bakas ng shabu ang mga magnetic lifters ay maaari na rin nilang sabihin na puno ang mga ito.

Kinuwestiyon din ni Pangulong Duterte ang pagpapalit ng PDEA sa nauna nitong tantiya sa halaga ng shabu na posibleng laman ng mga nakapuslit na magnetic lifters.

Magugunitang, unang sinabi ng PDEA na posibleng naglalaman ng P6 bilyong halaga ng shabu ang mga nakitang magnetic lifters sa Cavite.

Gayunman matapos na muling timbangin ang mga ito, nakita ng PDEA na posibleng labing P1 bilyong ang halaga ng drogang laman ng mga magnetic lifters.