Thursday, May 2, 2024

Guidelines para sa community quarantine sa Metro Manila target ilabas ng PNP ngayong Sabado

- Advertisement -

Target ng Philippine National Police (PNP) na ilabas sa publiko ang guidelines para sa pagpapatupad ng community quarantine sa Metro Manila ngayong Sabado, ika-14 ng Marso.

Kasunod pa rin ng naging direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte upang mapigilan na rin ang pagkalat ng 2019 coronavirus disease (COVID-19) sa bansa.

Ayon kay PNP acting spokesman Maj. Gen. Benigno Durana, inihahanda na ng PNP ang mga naturang alituntunin kung saan makatutuwang nila ang Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine Coast Guard (PCG) sa pagtatalaga ng mga tauhan, at checkpoints sa lahat exit at entry points sa Metro Manila.

Gayunman, una namang sinabi ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Dir. Maj. Gen. na aabot sa 26,000 pulis ang ipakakalat sa Metro Manila para sa pagpapatupad ng community quarantine.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img