Saturday, May 18, 2024

PhilHealth officials na nagbitiw sa pwesto hindi pa rin ligtas sa ‘ghost dialysis claims’ issue

- Advertisement -

Hindi pa rin ligtas ang mga opisyal ng PhilHealth sa usapin ng ghost dialysis claims kahit pa nagbitiw na sila sa pwesto.

Ito ang naging pahayag ni Justice secretary Menardo Guevarra kasunod ng paghahain ng resignation ng ilang opisyal ng PhilHealth sa pangunguna ni PhilHealth President Roy Ferrer.

Ayon kay Guevarra, inaalam na ng National Bureau of Investigation (NBI) kung mayroong criminal liabilities ang naturang mga opisyal.

Aniya, posibleng mapanagot ang mga ito sa paglabag sa Anti-graft Law dahil kung mapapatunay ang kanilang partisipasyon at naging kapakinabangan sa paniningil sa dialysis treatment kahit na patay na ang mga pasyente.

Kaugnay sa naturang kontrobersiya, una nang kinasuhan ng NBI ang mga may-ari ng WellMed Dialysis Center Bryan Sy at ilang pang opisyal nito.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -