Barangay Ginebra pinataob ng Phoenix Pulse sa kanilang laro sa PBA

0
49

Pinataob ng Phoenix ang Barangay Ginebra sa score na 111-103 sa kanilang laro sa 2019 P.B.A. Commissioner’s Cup na ginanap sa Araneta Coliseum.

Kumamada si Matthew Wright ng 32 points para sa Pulse.

Nagdagdag naman si Import Richard Howell ng 31 points para sa kanilang koponan.

Dahil dito, tabla na ang Phoenix at Ginebra sa standings taglay ang 4-4 record.

Sa isa pang laro, dinurog ng NLEX ang Rain or Shine sa score na 100-97.