Sunday, April 28, 2024

350 OFW’s mula Saudi Arabia nagbalik bansa

- Advertisement -

Balik bansa na ang karagdagang 350 na mga Overseas Filipino Workers (OFW) mula Saudi Arabia, kahapon.

Ayon sa DFA, lulan ang mga OFW’s ng Saudi airlines’ special flight nang lumapag sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Kasunod nito agad namang isinailalim sa swab testing ang mga nagbalik bansang mga OFW’s at mananatili sa quarantine facilities, habang hinihintay ang resulta ng kani-kanilang mga swab test.

Oras namang magnegatibo ang mga ito, ay agad silang pauuwin kahit hindi pa nabubuo ang itinakdang 14 na araw sa quarantine.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -