28.9 C
Manila
Friday, March 29, 2024

MMDA Redemption office tigil operasyon muna

- Advertisement -

Suspendido muna pansamantala ang mga operasyon sa redemption office ng MMDA simula ngayong araw Hulyo 8 at magtatagal hanggang sa Hulyo 10.

Sa inilabas na abiso ng MMDA, ang pagsasara ng kanilang pasilidad ay para bigyang daan ang pagsasagawa ng disinfection sa lahat ng opisina sa MMDA headquarters sa lungsod ng Makati hanggang sa linggo.

Paliwanag pa ni MMDA Chairman Danilo Lim, ang mga hakbang na kanilang gagawin, ay bahagi ng security measures na ipinatutupad para aniya’y masiguro ang kaligtasan ng kanilang mga tauhan at mga nakikipagtransaksyon sa ahensya.

Samantala sa kaparehong abiso, muling magbabalik operasyon ang MMDA sa regular nitong oras sa Lunes, Hulyo 13.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -