3000 labi ‘di pa rin nakikilala halos 5 taon matapos ang ‘Yolanda’

0
60

Nasa tatlong libong (3,000) labi ang hindi pa rin nakikilala, limang taon matapos salantain ng bagong Yolanda ang Tacloban City.

Gugunitain ng pamilya ng mga biktima ang Undas sa mass grave na inilaan para sa mga biktima ng Yolanda.

Dahil dito, umapela ng tulong sa National Bureau of Investigation (NBI) si Vice Mayor Jerry Yaokasin para makilala ang mga biktima at magkaroon ng emotional closure ang pamilya ng mga ito.

Sinabi ni Yakaosin na alam nilang walang pondo para sa DNA testing para sa maraming biktima ang NBI subalit umaasa silang kahit paunti-unti ay makapagbigay sila ng listahan ng mga makikilalang labi.

—-