Customs deputy collector Mangaoang ipinasasailalim sa WPP

0
58

Iniendorso ng Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) sa Department of Justice (DOJ) si Customs Deputy Collector Lourdes Mangaoang para mailagay sa ilalim ng Witness Protection Program (WPP).

Ayon kay PACC Spokesman Manuelito Luna, lumiham sa kanila si Mangaoang upang humingi ng endorsement para sa WPP ng DOJ.

Sinabi ni Luna na nagpasya silang iendorso para sa WPP si Mangaoang matapos marinig ang mga banta sa kanyang buhay.

Una na ring inirekomenda ng Senate Blue Ribbon Committee na mailagay sa WPP si Mangaoang.

Matatandaan na sinabi ni Mangaoang na hindi pinansin ni dating Customs Commissioner Isidro Lapeña ang kanilang report hinggil sa x-ray ng magnetic lifters na posibleng may lamang shabu.

—-