10 bus drivers nagpositibo sa paggamit ng iligal na droga

0
51

Nagpositibo sa iligal na droga ang sampung bus drivers at dalawang konduktor sa isinagawang surprise drug test ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA sa iba’t ibang bus terminal sa bansa.

Tinawag ang operasyong ito na “Oplan Undaspot” katuwang ang land Transportation Office (LTO) at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).

Ayon kay Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA Chief Aaron Aquino, ang mga bus driver na ito ay mula sa terminal sa Ilocos Region, Batangas City Grand Terminal, Bicol Central Station, North Bus Terminal, Central Visayas, Abucay New Bus Terminal sa Eastern Visayas, Zamboanga City Integrated Bus Terminal, bus terminal sa ARMM, Bicol Isarog Bus Terminal at Araneta Bus Terminal sa Metro Manila.

Agad namang kinumpiska ng mga awtoridad ang lisensya ng mga nagpositibo sa paggamit ng iligal na droga at nahaharap sa kaukulang kaso.

—-