35 C
Manila
Thursday, April 25, 2024

Mga nasawi dahil sa COVID-19 sa buong mundo umabot na sa 2,458

- Advertisement -

Umabot na sa kabuuang 2,458 ang mga naitalang bilang ng mga nasawi dahil sa coronavirus disease (COVID-19) sa buong mundo.

Ito ay matapos kumpirmahin ng Hubei health authority na nadagdagan ng 96 kaso ang mga nasawi dahil sa COVID-19 sa Hubei Province, China.

Ayon sa report umabot na sa kabuuang 2,346 ang mga naitalang mga nasawi sa episentro ng COVID-19 outbreak.

Samantala, lima naman ang mga nasawi sa Iran, tatlo sa Japan at Hong Kong, dalawa sa Italy at South Korea, at tig-isa mula sa Pilipinas, Taiwan, at France.

Sa ngayon, umakyat na sa 77,809 ang bilang ng mga kumpirmadong positibong kaso ng COVID-19 sa buong mundo.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -