35.4 C
Manila
Friday, April 26, 2024

30-40% Ng Mga Frontliners Asin Vulnerable Sector Ang Handang Magpabakuna Sa Lungsod Ng Iriga, Iba Ayaw Magpabakuna Ng Sinovac

- Advertisement -

Iriga City — Mababa ang kompiyansa sa bakunang gawa mula sa Tsina na Sinovac.

Ito ang lumalabas sa ginawang profiling sa mga frontliners at senior citizens na siyang mauunang bakunahan, ayon na priority list ng DOH.

Sa ibang lugar dito sa Camarines Sur, umaabot lamang sa 10% an nais magpaturok ng bakuna samantalang ang pinakamataas ay 40% lalo pa na an inaasahang bakuna na gawa sa Europa O America ay wala pa at ang dumating ay Sinovac mula sa Tsina.

Sa Lungsod ng Iriga tatlong malalaking Barangay ang nagpalabas ng kanilang survey na umaabot lamang sa 40% ang nais na magpaturok ng bakuna.

Sa Brgy. San Francisco, San Isidro at Perpetual Help lumalabas na ang nais na bakuna ng mga mamamayan ay ang bakunang gawa ng Aztra Zeneca.

Samantala, inaasahan na sa araw ng Linggo an pagdating ng 10K doses ng Sinovac vaccine sa rehiyon Bicol.

Ito ang sinabi ng DOH regional office 5, kung saan mauunang bigyan ng bakuna ay ang mga medical frontliners mula sa apat na ospital na kinabibilangan ng Bicol Regional Training and Teaching Hospital sa Legazpi City, Bicol medical Center at Naga Imaging Center Cooperative Doctors Hospital sa Lungsod ng Naga at Bicol Region General Hospital and Geriatric Medical Center sa Cabusao, Camarines Sur.

(Source: DOH Regional Office 5)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -