Saturday, May 18, 2024

3 sasakyan nagkarambola sa Commonwealth Ave

- Advertisement -

Tatlo ang sugatan sa nangyaring karambola ng mga sasakyan sa Commonwealth Riverside sa Quezon City kaninang umaga

Kinilala ang mga ito na sina Raul Pida, isang Tindero; Hermy Lugo, Motorcycle Rider at Vince Mata na isang Pedestrian o naglalakad lamang sa lugar

Nabatid na biglang humarurot ang isang Taxi na siyang humagip sa kariton ng tinderong si Pida hanggang sa sumalpok iyon sa isa pang SUV at sa minamanehong Motorsiklo ni Lugo

Dahil dito, 2 Lanes ng Commonwealth Avenue ang inokupa ng nasabing karambola na siyang sanhi ng pagbigat ng daloy ng trapiko sa lugar

Sinasabing ang madulas na kalsada sa lugar dulot ng walang patid na mga pag-ulan ang dahilan ng aksidente bagama’t patuloy ang ginagawang imbestigasyon ng mga awtoridad hinggil dito

 

 

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -